Photo courtesy | Aces&Queens
Ni Marie F. Fulaginas
PUERTO PRINCESA CITY, Palawan —Itinanghal na 2nd Runner Up si Philippines’ bet Anna Valencia Lakrini sa grand coronation ng Miss Globe 2023 kagabi, Biyernes, Nobyembre 17, na ginanap sa bansang Albania.
Nasungkit ni Malaysia’s bet Mhanvin Khera ang korona kung saan tinalo nito ang nasa limampu’t dalawang (52) kandidata mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
Kaugnay rito, itinanghal na First Runner up ng Miss Globe pageant si Katia Agbodo Rodriguez ng bansang Spain habang Third at Fourth Runner Up naman sina Nigeria’s bet Duru Esther Chidera at Kirstin Yvonne Bangs ng bansang USA.
Si Katia at Anna Lakrini ay parehong Miss Bikini top five ng nasabing pageant. Nakuha ni Anna ang second spot habang fourth spot naman si Katia. Finalist din ng Miss Talent Contest si Miss Philippines’ bet Anna Lakrini.
Kinoronahan si Lakrini bilang Binibining Pilipinas Globe nitong nakaraang Mayo 28, 2023, sa Araneta Coliseum, sa Lungsod ng Quezon.