Photo courtesy | PalawanSU/Young Biologist Association

Ni Marie Fulgarinas

Kilalanin ang nag-iisang Summa Cum Laude ng Palawan State University (PalawanSU) para sa Batch 1 ng “Class of 2023-2024” na si Ms. Trisha Ann M. Heredero na nakakuha ng general weighted average (GWA) na 1.21 o katumbas nito ang grado na 98 to 100.

Si Heredero ay nagtapos ng kursong Bachelor of Science in Biology – Major in Medical Biology. Siya rin ay nagtapos na With High Honor sa Palawan National School (PNS), Class of 2020.

Samantala, isa namang tanyag na pampublikong guro ang kaniyang ina na si Ms. Leanore Heredero ng Sicsican National High School sa Lungsod ng Puerto Princesa.

Author