Photo Courtesy | Repetek

Ni Ferds Cuario

PUERTO PRINCESA CITY — Makikita sa larawan sina Congresswoman Lani Mercado Revilla, Vice Governor of Palawan Leoncio Ola, at Narra Vice Mayor Marcelino Calso Jr. ngayong araw, Miyerkoles, Abril 24.

Dumating ngayong araw sa Puerto Princesa si Cavite 2nd District Representative Lani Revilla upang irepresenta ang asawa at kasalukuyang Senator Bong Revilla sa pamimigay ng tulong sa mga residente ng bayan ng Narra, Palawan, sa pamamagitan ng AICS o Aid in Crisis Situation ng Department of Social Work and Development o DSWD.

Sa panayam ng lokal midya, binigyan-diin ni Congw. Lani ang mga batas na naisulong ni Senator Bong Revilla katulad ng RAA 11984 or “REVILLA LAW” na nagbabawal sa “NO PERMIT, NO EXAM POLICY” at Republic Act No. 11982 o Expanded Centenarian Act na magbibigay ng P10,000 cash incentives para sa mga seniors citizen na may edad 80, 85, 90, at 95, at P100,000.00 para sa mga 100 years old.

Samantala, patuloy na nagpapagaling si Senator Bong Revilla matapos na maaksidente habang nag sho-shooting ng kanyang sitcom na “Walang Matigas na Pulis sa Matigas na Misis” na ipinapalabas sa GMA 7.

Author