PUERTO PRINCESA CITY, Philippines —Arestado ng mga awtoridad ang lalaking kinilalang si Wilmar Mamac, 25 anyos, at residente ng Barangay Irawan, makaraang mahulihan ng diumano’y shabu nitong Hunyo 18 sa Purok Fire Tree, Bgy. Sicsican.
Sa ikinasang Anti-illegal Drug Buy-bust Operation bandang 12:51 nang madaling nitong Martes, nakunan ng droga ang suspek na nagkakahalaga ng labing-anim na libong piso (P16,000.00) na may bigat na 1.81 gramo. Nakuha rin sa suspek ang drug buy-bust item, isang cellular phone, at buy-bust money.
Ayon sa pulisya, ang suspek ay ‘engaged’ sa talamak na pagdami ng droga sa lungsod ng Puerto Princesa. Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Batas Republika 9165 o mas kilalang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022.
Maliban sa kasong paglabag sa RA 9165, ang suspek ay nahaharap din umano sa kasong robbery extortion na nai-file nitong nakaraang taon.