Photo courtesy | Roxas MPS

Himas-rehas ngayon ang isang lalaki na kinilala sa alyas na “Wendel” matapos arestuhin ng awtoridad dahil sa krimeng panggagahasa.

Ayon sa ulat ng pulisya, si alyas “Wendel”, 25-taong gulang, isang constrution worker, at residente ng Barangay San Juan sa bayan ng Dumaran, Palawan, ay nakalistang most wanted person rank no. 4 municipal level.

Ang pag-aresto ay isinagawa sa pamamagitan ng pinagsamang pwersa ng Dumaran Municipal Police Station (MPS), kasama ang mga tauhan ng PALCIT RID 4B, PIDMU, PIU-Palawan PPO, at 2nd PPMFC.

Ito ay batay sa warrant of arrest na inilabas at nilagdaan ni Presiding Judge Paul Bataculin Jagmis Jr., Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 95, Roxas, Palawan, noong ika-18 ng Disyembre 2024.

Nahaharap ang wanted sa mga kasong Rape by Carnal Knowldege na nakadokumteo sa Criminal Case No. 2024-11-00158-Roxas, na walang piyansa, at Rape by Sexual Assault na nakadokumento sa Criminal Case Number 2024-11-00159-Roxas, na may inirekomendang piyansa na P120,000.00.

Matagumpay na naaresto ang wanted bunga ng masinsinang surveillance at koordinasyon sa pagitan ng ahensya ng pulisya. Sa kasalukuyan, si “Wendel” ay nasa kustodiya ng pulisya para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.

Author