Ni Vivian R. Bautista
ALAM niyo ba na ang Crooked Forest sa Polish na “Krzywy Las”ay isang kakaibang tanawin na kung saan pinaniniwalaang mayroong mahiwagang kaganapan na ikinagulat ng lahat ng nakakakita dito?
Ang lugar na ito ay matatagpuan malapit sa bayan ng Gryfino sa rehiyon ng Poland sa Pomerania, Poland.
Humigit-kumulang 400 Scots pine sa lugar ng kagubatan ng Krzywy na ito ay may kakaibang kurba base sa kanilang mga trunks o baluktot na bush.
Ang mga baluktot na punong ito ay halos 90 degrees sa hilaga ilang sentimetro mula sa lupa na may katangiang hugis“J”. Dahil dito, ang mga baluktot na puno sa kagubatan na dumaranas ng kakaibang pangyayaring ito ay binansagan ng mga lokal bilang “Baluktot na Kagubatan.”
Ayon sa pag-aaral, ang sanhi ng kakaibang hugis J ng mga puno ay hindi pa malinaw at iba’t ibang uri ng teorya ang nabuo tungkol sa pinagmulan nito. Ang ibang mga teorya ay nagsasaliksik ng isang mas siyentipikong paliwanag at nagmumungkahi na ang mga kakaibang punong ito ay maaaring na-deform sa pamamagitan ng malakas na hangin o isang malaking akumulasyon ng niyebe na naganap noong kanilang kabataan.
Ang mga punong ito ay napapalibutan din ng maraming punongkahoy na may kaparehong species ngunit ang mga ito ay tuwid at hindi kahalintulad ng J at hanggang sa ngayon ay marami pa ring kakaibang kuwento ukol sa pinagmulan nito.
Ayon sa mga tagapagtanggol nito, ang kakaibang hugis ng mga puno ay dinurog ng mga tangke na umiikot sa lugar noong World War II, na kung saan ang mga spine ng puno ay nasa pagitan pa ng pito at sampung taong gulang.
Sinasabi rin ng iba na ang kurba ay direktang resulta ng pagkilos ng tao, na nagtanim ng mga puno noong 1930s at binigyan sila ng ganoong hugis na layunin ay upang makagawa ng mga hubog na kahoy na pangunahing ginagamit sa paggawa ng mga barko.
Gayunpaman, ikinaila ng mga tao sa Gryfino ang posibilidad na ito, dahil ayon sa kanila hindi kailanman ginamit ang pinewood sa paggawa ng mga barko.
Sa huli, anuman ang pinagmulan ng kakaibang kababalaghan na ito, ang katotohanan na ang kakaibang curved tree na ito at ang kanilang misteryosong pinagmulan ay naging isang tunay na tourist attraction sa lugar.