PHOTOS//BFAR CENTRAL OFFICE

Ni Clea Faye G. Cahayag

MULA Puerto Princesa City, sakay ng BRP Francisco Dagohoy (MMOV 5002) ng Department of Agriculture- Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) ang mga fishing gear tulad ng fish stalls, fish containers, plastic floaters, twines, lead sinker, at payao na ipagkakaloob sa grupo ng mga mangingisda sa isla ng bayan ng Pag-asa.

Maliban dito, mayroon din itong kasamang mga post-harvest equipment gaya ng blast freezer, ice coolers, industrial weighing scales, crate storages, seawater flake ice machine at generator set.

Ayon sa BFAR Central Office, ang tulong pangkabuhayang ito ay nagkakahalaga ng P4.95 milyon na layuning palakasin ang mga mangingisda at mapataas ang kanilang produksyon sa pangingisda sa West Philippine Sea (WPS).

Benepisyaryo ng programa ang Kalayaan Palawan Farmers and Fisherfolks Association at Spratlys Strong and Brave Women Association.

“The Bureau has been augmenting the fisheries activities operating and situated in the area, especially those in Pag-asa Island, through provision of Fiber-Reinforced Plastic (FRP) boats and hand lines, payao and lambaklad fishing technologies, marine engines, and post-harvest equipment to local fisherfolk.

The DA-BFAR has also been supporting the operations of the Community Fish Landing Center (CFLC) in the Municipality of Kalayaan, as well as the use of ring netter for Taytay, Palawan,” ayon pa sa BFAR Central Office.

Tinuran ni DA-BFAR National Director Atty. Demosthenes R. Escoto na ito ay isang inisyatibo ayon na rin sa tagubilin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na paigtingin ang pagbibigay ng suporta sa sektor ng mga mangingisda.

Kinilala rin nito ang kontribusyon ng Philippine Coast Guard (PCG) at ng iba pang katuwang na mga ahensya na patuloy na sumusuporta sa mga ginagawang programa ng Kagawaran para sa mga mangingisda sa WPS.

Maliban sa mga kagamitang pangisda, magsasagawa rin ng mga pagsasanay tungkol sa proper fish handling, good manufacturing practices at sanitation standards para matulungan ang komunidad ng mga mangingisda sa lugar na mai-preserba ang economic value ng kanilang mga huling lamang dagat.

Author