PUERTO PRINCESA — Kabuuang limanndaang (500) mga residente ng Barangay Sarong ang napagkalooban ng iba’t ibang serbisyong medikal na handog ng lokal na pamahalaan ng nabanggit na bayan.
Ipinagkaloob sa mga residente ang Konsultasyong medikal, dental, family planning, laboratory, TB screening and treatment, maternal and child care, Adolescent and mental health, HIV counseling & screening, HPV vaccination at child nutrition program.
Batay sa Bataraza Rural Health Unit, ang aktibidad ay dinaluhan ng mga kabataan, buntis, kababaihan, senior cetizen at PWDs na lubos na nangangailangan ng tulong sa naturang barangay.
Layunin ng programa na mailapit ang mga serbisyong medikal sa mga nangangailangang mamamayan ng Bataraza.
Naisakatuparan ito sa pangunguna ni Ginoong Hamja, assigned Nurse, katuwang ang Barangay Local Government Unit Sarong at Coral Bay Nickel Corporation (CBNC), Municipal Health Office at CVHWs.