Batay sa uploaded photos ni Mark Anthony Paredes Bernardo, putol na ang kalsadang nagkokonekta sa Barangay Sto. Niño at Bgy. New Canipo sa nabanggit na bayan dahil sa patuloy na paghagupit ng Southwest monsoon.
Aniya, hindi na madadaan pa ang nasabing kalsada matapos bumagsak ang ibang bahagi nito at magmistulang ilog dahil sa rumaragasang tubig-baha sa itaas na bahagi ng lugar.
Sa larawan, makikitang substantard ang kalidad ng kalsada dahil walang makikitang mga bakal o steel bars na magsusuporta at magsisilbing pundasyon ng daan. Dahil dito, samu’t saring negatibong reaksiyon mula sa mga netizens dahil sa mababang kalidad ng kalsada kaya’t mabilis itong bumagsak at tuluyang nasira.
Pinapayuhan naman ang lahat ng mga motorista na mag-ingat at huwag nang tumuloy sa kanilang biyahe dahil sa nasirang daan.
Kahapon, naiulat na gumuho ang ilang matatarik na bahagi ng lupa sa Sitio Itabiak sa kahabaan ng Bgy. New Agutaya, San Vicente, Palawan na lubhang nagdulot ng pangamba sa mga motorista.