EL NIDO, Philippines — Nanawagan si dating Palawan Vice Governor Arthur Rodriguez Ventura na punitin ang JPM o JCA for Progress Movement ID, isang political identification card, na umano’y kontrolado’t pagmamay-ari ni Second District Representative Jose Chavez Alvarez.

Sa kamakailang Facebook post, hinimok ni Ventura na sirain ang nasabing identification card bilang simbolo ng pagtutol sa umano’y lantarang bilihan ng boto mula sa mga dayuhang lider na may ‘maitim na balakin’.

Aniya, nararapat na tularan ng mga Palaweños ang katipuneros nang punitin ng mga ito ang kanilang cedula bilang pagtutol sa pagkamkam ng lupaing ninuno ng mga Pilipino noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol.

“Sa sinumang nakatanggap ng [ID], ating tularan ang mga katipuneros sa pagpunit-punit upang ipakita na tayong mga Palawenyo ay hindi ibinebenta ang ating sagradong boto sa mga dayuhang politiko na may maitim na balakin upang lapastangin ang ating dangal at pagkatao,” saad ni Ventura.

Ayon pa kay Ventura, niyuyurakan din ng mga dayuhang pulitiko ang kalikasan ng lalawigan sa pamamagitan ng pagpapalawak ng mga pagmimina at pagkakalbo sa kagubatan ng Palawan.

Author