Photo coutesy | Erick Abueg via Facebook

Ni Marie Fulgarinas

Magiging political ally ang Abueg at Socrates clan sa darating na Mayo 2025 National and Local Elections matapos ihayag ni Palawan Governor Victorino Dennis M. Socrates na kaniyang nakikitang magiging katambal si dating Second District Representative at dating Deputy Speaker Frederick โ€œErickโ€ Abueg.

Sa ngayon, wala pang kumpirmasyon sa publiko si Abueg kaugnay sa nasabing tambalan sa darating na midterm elections.

Noong Halalan 2022, nagkaharap sa gubernatorial race sina Socrates, Abueg, ex-Palawan Governor Joel Reyes, Art Ventura, Salido Jr, at Lopez kung saan nanguna rito si Socrates nang makakuha nang 190,191 votes habang sina Reyes at Abueg ay nakakuha lamang ng 147,877 at 64,729 votes.

Author