Photo courtesy | FacebooK Fatima Sara
PUERTO PRINCESA CITY — Pumanaw sa edad na 62 si Ex-Palawan Board Member Edmundo Balerite, kahapon, araw ng Miyerkules, Oktubre 18, ayon sa kaniyang pamilya.
“Family, friends and colleagues, we invite you to commemorate the life of our dearest Edmund as he joined our Creator,” pahayag ni Fatima Sara, anak ng yumaong dating bokal.
Sa Facebook post, ibinahagi ng pamilya Balerite na pansamantalang ibuburol ang yumaong Ex-Board Member sa Golden Haven Memorial Chapel and Crematorium, 2F Golden Haven Bldg, Global South, Las Pinas City, sa Oktubre 19 hanggang ika-21 ng kaparehong buwan.
Inilathala rin ng pamilya na iuuwi naman ang mga labi ng yumaong dating bokal sa New Guinlo, bayan ng Taytay, Palawan, sa darating na Oktubre 22 hanggang 24. Ibuburol din ito sa Lungsod ng Puerto Princesa sa darating Oktubre 24 hanggang Oktubre 27.