Repetek File Photo

PALAWAN, PHILIPPINES – BUMISITA kamakailan sa lalawigan ng Palawan si Department of Budget and Management Secretary at Philippine Open Government Partnership Chairperson Amenah F. Pangandaman.

Personal namang tinanggap ni Palawan 2nd District Congressman Jose Chavez Alvarez si Sec. Pangandaman kasama ang kanyang grupo na kinabibilangan nina Undersecretary Wilford Will L. Wong, Undersecretary Margaux Marie V. Salcedo, Asec. Rolando U. Toledo, Head Executive Assistant Mr. Francis Rico S. Javier, Atty Jose Miguel B. Solis, Executive Director Atty Dennis S. Santiago.

Ayon sa tanggapan ni Cong. Alvarez, pakay ng nasabing grupo na pamunuan ang PH-OGPinas o Philippine Open Government Partnership na layong
itaas ang kamalayan at magbigay ng mga pamamaraan para sa pakikipagtulungan ng gobyerno-civil society, lalo na sa lokal na antas, upang palakasin ang partisipasyon ng publiko, pamamahala sa pananalapi, paggawa ng patakaran at pamamahala sa buong bansa.

Ang kampanyang ito ay isang kampanya ng adbokasiya ng pambansang pamahalaan para sa bawat probinsiya ng Pilipinas.

Samantala, naroon din sa kaganapan si
2nd District Board Member Ryan Maminta.

Ang Open Government Partnership (OGP) ay itinatag noong 2011, na binubuo ng mga pinuno ng pamahalaan at mga tagapagtaguyod ng civil society na nagsasama-sama upang lumikha ng isang natatanging partnership upang isulong ang transparent, participatory, inclusive, at accountable na pamamahala.