Photo courtesy | PCSD
PUERTO PRINCESA CITY — Dumalo sa “Coastal Research, Equipment and Field Observation Training” ang labinlimang (15) mga delegado mula lalawigan ng Palawan at MIMAROPA na isasagawa sa Queensland, bansang Australia, simula nitong araw ng Miyerkules, Nobyembre 22 hanggang Nobyembre 26, 2023.
Ang limang (5) araw na benchmarking training program ay gaganapin sa
One Tree Island (OTI) Research Station, isang protektadong pasilidad sa pagsasaliksik sa baybayin ng The University of Sydney, sa Southern Great Barrier Reef sa Gladstone sa nabanggit na bansa.
Ayon ng Palawan Council for Sustainable Development (PCSD), ang nasabing pagdalo ay may kaugnayan sa kung papaano gumamit at mangolekta ng mga obserbasyon sa baybayin sa isang seleksyon ng mga instrumento sa pagsubaybay sa karagatan at baybayin gaya ng mga pressure transducer, current meters, at iba pang kagamitan sa pag-survey para sa kalidad ng tubig sa dagat, mga organikong pagkarga, at nakakapinsalang algal blooms monitoring.
Ang OTI ay may mga makabagong pasilidad na kung saan ay may magandang kagamitan at mahabang kasaysayan ng paghahatid ng mataas na kalidad na pagsasanay sa mga mag-aaral at mananaliksik, isang perpektong lokasyon din ito para sa heograpiya at mga proseso sa baybayin at mga tampok na maaaring maihalintulad sa mga baybayin ng Pilipinas.
Ang field observation training ay inihahatid umano bilang bahagi ng Marine Resources Initiative (MRI) – Marine Spatial Mapping Project na ipinatupad ng Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) sa pakikipagtulungan ng Geoscience Australia at University of Sydney na may pondo mula sa Australia’s Department of Foreign Affairs and Trade (DFAT).