Photo courtesy | Puerto Princesa City Information Office
PALAWAN, Philippines — Nakiisa ang Pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa sa pangunguna ni Vice Mayor Maria Nancy Socrates sa pagdiriwang ng Dibdiban 2023 – National Breast Cancer Awareness Month, isang makadibdibang programa na may temang “Let’s Bridge the Breast Cancer Care Gap: Fair and Square”, ngayong araw ng Biyernes, Oktubre 20.
Ginanap ang makabuluhang pagdiriwang sa The Event Center, Upper Ground Level ng SM City Puerto Princesa, na dinaluhan ng mga kababaihan partikular ng mga breast cancer patients at survivors.
Ang kaganapan ay naglalayong itaas ang kamalayan ng publiko hinggil sa kahalagahan ng kaalaman patungkol sa breast cancer at iba pa.
Nagkaloob din ng libreng Human papillomavirus (HPV) vaccination para sa edad 9 hanggang katorse (14), Progestin Subdermal Implant (PSI), Visual Inspection with Acetic Acid (VIA), Physical Breast Examination, Pap Smear, Gram Stain, Wellness at Stress Management.