Skip to content

Repetek.News

Ang Diyaryo ng Pilipino

Primary Menu
  • NEWS
    • METRO PUERTO
    • NATIONAL
  • BUSINESS
  • LIFESTYLE
    • CULTURE
    • RELIGION
    • FENG SHUI
    • ALAM MO BA
  • COMMUNITY
    • PALAWAN AFFAIRS
    • POLICE REPORT
  • ENVIRONMENT & TOURISM
    • FLORA & FAUNA
  • WEATHER
  • SPORTS
  • OPINION
  • ABOUT US
  • Home
  • Community
  • Palawan Affairs
  • District hospitals sa Bataraza at Coron, itinaas sa level 1 hospital
  • Headlines
  • Health
  • Palawan Affairs

District hospitals sa Bataraza at Coron, itinaas sa level 1 hospital

Repetek News

June 17, 2025 2 minutes read
PIO Palawan

Photo courtesy: PIO Palawan, 2019

Patuloy na isinusulong ng kapitolyo ang pagpapalawak ng akses ng mga Palawenyo para sa dekalidad na serbisyong medikal sa Palawan.

Mahalagang hakbang tungo sa mas maayos na serbisyong pangkalusugan ang pagkakatalaga ng Department of Health (DOH) sa Bataraza District Hospital sa pamumuno ni Chief of Hospital Dr. Bon Karlo C. Ladia, at Coron District Hospital sa pamumuno ni Officer-in-Charge Chief of Hospital Dr. Ryan B. Ruiz.

Ibig sabihin nito, mas kumpleto at epektibong pasilidad ang maaaring gamitin ng mga pasyente. Kabilang dito ang operating room, labor and delivery room, isolation area, at mga diagnostic services tulad ng x-ray at ultrasound, ayon sa Kagawaran.

Sa pamamagitan nito, matutulungang matugunan ang iba’t ibang pangangailangang medikal ng komunidad.

Mula sa mainland Palawan, ang distansya ng Coron ay nasa humigit-kumulang 300 kilometers sa hilaga ng Puerto Princesa, ang kabisera ng lalawigan. Umaabot naman sa 220 hanggang 275 kilometro ang biyahe mula sa Bataraza patungo sa lungsod depende sa ruta.

Magiging maginhawa naman para sa mga pasyenteng nasa malalayong lugar ang pagtatas ng antas ng mga district hospital sa lalawigan upang hindi na bumiyahe pa patungong lungsod para sa pangunahing serbisyong medikal.

Kasabay ng pagkilala sa mataas na antas ng ospital, buong pusong pinasasalamatan ng Provincial Health Office (PHO)-Palawan ang pamunuan ng Coron District Hospital sa kanilang patuloy na dedikasyon sa pagbibigay ng mas mahusay na pangangalagang pangkalusugan.

via Samuel Macmac

Author

  • Samuel Macmac
    View all posts

About the Author

Samuel Macmac

View All Posts

Post navigation

Previous: ‘Best practices’ ng ibang LGUs, nais matutunan ng city gov’t
Next: Boses ng mamamayan

Related News

image-1382746363336149
  • National
  • National and International
  • Palawan Affairs
  • Religion

Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70

Repetek News

January 26, 2026
FB_IMG_1759547789526
  • Headlines
  • Metro Puerto

“WALANG DEMOLISYON” – GARCIA

Repetek News

October 5, 2025
Joshua Lavega Abrina
  • Headlines
  • Palawan Affairs
  • Police Report

Imbestigasyon sa pamamaslang kay Abrina, tinututukan

Repetek News

September 19, 2025

Recent Posts

  • Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70
  • English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas
  • TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI
  • Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay
  • “WALANG DEMOLISYON” – GARCIA

Recent Comments

  1. Prov’l Health, puspusan sa pagkasa ng HIV-related training – REPETEK.NEWS on HIV ang mas malaking problema ng Pilipinas: DOH

Trending Now

Latest News

  • Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70
  • English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas
  • TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI
  • Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay
  • “WALANG DEMOLISYON” – GARCIA

You may have missed

image-1382746363336149
  • National
  • National and International
  • Palawan Affairs
  • Religion

Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70

Repetek News

January 26, 2026
614758517_1370905731715019_5041477566248361328_n
  • National and International

English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas

Jent Carlos Gardoce January 14, 2026
Illegal logging
  • Uncategorized

TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI

Repetek News

December 26, 2025
Business Suite_creation_1572764704131299
  • Police Report

Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay

Repetek News

October 6, 2025
You may also follow us on Facebook! | MoreNews by AF themes.