Skip to content

Repetek.News

Ang Diyaryo ng Pilipino

Primary Menu
  • NEWS
    • METRO PUERTO
    • NATIONAL
  • BUSINESS
  • LIFESTYLE
    • CULTURE
    • RELIGION
    • FENG SHUI
    • ALAM MO BA
  • COMMUNITY
    • PALAWAN AFFAIRS
    • POLICE REPORT
  • ENVIRONMENT & TOURISM
    • FLORA & FAUNA
  • WEATHER
  • SPORTS
  • OPINION
  • ABOUT US
  • Home
  • Health
  • DOH, nagbabala sa publiko sa nararanasang tag-init sa bansa
  • Headlines
  • Health
  • National

DOH, nagbabala sa publiko sa nararanasang tag-init sa bansa

Vivian Bautista March 10, 2025 3 minutes read
DOH, nagbabala sa publiko sa nararanasang tag-init sa bansa

Photo courtesy | PAGASA

Dahil sa mainit na temperaturang nararanasan ngayon sa iba’t ibang bahagi ng bansa, nagpaalala ang Department of Health (DOH) laban sa mga sakit na may kaugnayan sa init na dala ng matinding mainit na temperatura.

Ayon sa tala ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Administration (PAGASA), nakaranas kamakailan ng heat index na umabot sa 46 degrees Celsius ang Metro Manila kasama ang ilang lungsod at probinsya ng Pampanga, Nueva Ecija, Bataan, at Olongapo City na pumasok sa “danger” heat index.

Ayon sa Kagawaran ng Kalusugan, ang temperaturang mula 33 hanggang 41 degrees Celsius ay inuri ng PAGASA bilang “extreme caution”, habang nasa kategorya naman ng “danger” ang 42° Celsius hanggang 52° Celsius

Ayon pa sa Kagawaran, ang mga nabanggit na temperatura ay posibleng magdala ng iba’t ibang uri ng kondisyon o sakit kabilang dito ang heat cramps o pamumulikat at heat exhaution o pagkahapo na may mga sintomas gaya ng pagkapagod, pagkahilo, sakit ng ulo, at pagsusuka.

Kung sakali mang makaranas ng ganitong mga sintomas, pinapayuhan ang publiko na gamitin ang mga sumusunod na hakbang sa pang-unang lunas:

Ayusin ang bentilasyon, ilipat ang tao o pasyenteng nakararanas ng kahalintulad na kondisyon sa isang malilim at malamig na lugar. Tanggalin ang panlabas na damit ng tao. Maglagay ng malamig na compress, ice pack, malamig na tubig, o malamig na basang tela sa balat lalo na sa bandang ulo, mukha, leeg, kilikili, pulso, bukung-bukong, at singit.

Kung ang pasyente ay nagkaroon na ng malay, hikayatin itong uminom ng tubig pa unti-unti o mabagal na pagsipsip ng malamig na tubig.

Dalhin agad ang pasyente sa pinakamalapit na pagamutan.

“Kaya nating iwasan ang mga heat illnesses o sakit sa init. Alamin mula sa PAGASA ang heat index. Pagibayuhin ang pag-ingat, lalo na kapag ang heat index ay nasa 33 Celcius na,” pahayag ni Health Secretary Teodoro J. Herbosa.

“Kapag umabot o lumampas na ng 42 Celcius ang heat index, ‘danger’ na ‘yan, dalasan ang pag-inom ng malinis na tubig, at umiwas sa araw mula 10 a.m. hanggang 4 p.m,”dagdag pa ni Herbosa.

Ang matagal na paglalagi sa init ay nagpapataas umano ng posibilidad ng heat stroke, isang seryosong kondisyon na may pagkawala ng malay, pagkalito, o kaya ay mga seizure o kombulsyon, na maaaring makamatay kung hindi agad maagapan o magagamot.

Panawagan din ng DOH sa publiko na regular na umantabay sa mga ulat mula sa PAGASA upang magkaroon ng ilang kaalaman kung papaano maiiwasan ang mga kondisyon at sakit na dulot ng tag-init.

Mangyari ring umiwas muna sa inuming nakakauhaw gaya nang iced tea, softdrinks, kape, o mga inuming may alcohol; bawasan ang paggugol ng oras sa labas sa pagitan ng mga itinakdang delikadong oras.

Pinapayuhan din ang publiko na gumamit ng mga proteksyon laban sa init gaya ng sumbrero, payong, sunblock, at panatilihing magsuot ng maluluwag o komportableng kasuotan.

About the Author

Vivian Bautista

View All Posts

Post navigation

Previous: 2 kalalakihan sa San Vicente, sugatan
Next: Pilipinas, nag-host ng Asian workshop para sa proteksyon at kapakanan ng mga bata

Related News

image-1382746363336149
  • National
  • National and International
  • Palawan Affairs
  • Religion

Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70

Repetek News

January 26, 2026
FB_IMG_1759547789526
  • Headlines
  • Metro Puerto

“WALANG DEMOLISYON” – GARCIA

Repetek News

October 5, 2025
Joshua Lavega Abrina
  • Headlines
  • Palawan Affairs
  • Police Report

Imbestigasyon sa pamamaslang kay Abrina, tinututukan

Repetek News

September 19, 2025

Recent Posts

  • Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70
  • English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas
  • TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI
  • Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay
  • “WALANG DEMOLISYON” – GARCIA

Recent Comments

  1. Prov’l Health, puspusan sa pagkasa ng HIV-related training – REPETEK.NEWS on HIV ang mas malaking problema ng Pilipinas: DOH

Trending Now

Latest News

  • Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70
  • English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas
  • TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI
  • Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay
  • “WALANG DEMOLISYON” – GARCIA

You may have missed

image-1382746363336149
  • National
  • National and International
  • Palawan Affairs
  • Religion

Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70

Repetek News

January 26, 2026
614758517_1370905731715019_5041477566248361328_n
  • National and International

English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas

Jent Carlos Gardoce January 14, 2026
Illegal logging
  • Uncategorized

TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI

Repetek News

December 26, 2025
Business Suite_creation_1572764704131299
  • Police Report

Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay

Repetek News

October 6, 2025
You may also follow us on Facebook! | MoreNews by AF themes.