PHOTO//PROVINCIAL INFORMATION OFFICE- PALAWAN/FACEBOOK

Ni Vivian R. Bautista

SA ginanap na sesyon ng ika-44 Sangguniang Panlalawigan nitong ika-11 ng Hulyo 2023, inihayag ni Board Member Ryan Maminta sa kan’yang privilege speech na nakarating sa kanyang kaalaman na mayroon umanong mga negosyante sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan ng Palawan ang hindi sumusunod sa itinakdang minimum wage gaya ng hindi pagbibigay ng tamang benepisyo sa mga mangagawa.

Kaya sa susunod na sesyon ay nakatakdang imbitahan sa Committee on Special Concerns ang mga kinatawan ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region 4B MIMAROPA at DOLE Palawan hinggil sa isyu ng ilang mga private business establishments sa Palawan na hindi umano sumusunod sa iniatas na minimum wage para sa mga manggagawang Palaweño.

“I rise today to bring to the attention of the Sangguniang Panlalawigan to act accordingly on the matters relayed and referred to in this representation pertaining to violations and non-implementation of the minimum wage as issued by the Regional Wage Board in some parts of the province of Palawan. It does not only pertain to the strict implementation of the minimum wage; however, it also includes the non-provision of the rightfully accorded benefits for the employees,” ani Maminta.

“Ito po’y hindi katanggap-tanggap sapagkat sa tamang pagsunod sa mga alintuntunin ay dapat po tama [rin] ang ibinibigay na benepisyo at sahod sa mga empleyadong gumagawa at tanggap no’ng mga negosyo at industriya at mga pribadong sektor na nagnenegosyo sa iba’t ibang parte ng lalawigan ng Palawan,”

“Dahil po sa lubhang hirap ng buhay naiintindihan din naman natin ‘yung mga medium enterprises na tila nagtitipid sila pero at the end of the day kailangan po nating sumunod sa batas at alituntunin at ang tanging ahensya ng pamahalaan na makakasagot at makakapagbigay sa atin ng solusyon na may kinalaman dito,” dagdag ni Maminta.

Ang kasalukuyang minimum wage para sa lahat ng sektor para mga establisyementong may sampung (10) manggagawa pataas ay may bagong minimum wage rate na 355 pesos. Tumaas ito ng 35 pesos mula sa dating minimum wage rate na 320 pesos; habang P329 minimum wage rate naman para sa mga establisyemento na may sampung (10) manggagawa pababa.