Photo Courtesy | Municipal Government of Cagayancillo

PUERTO PRINCESA CITY — NATANGGAP na ng munisipyo ng Cagayancillo ang isang (1) bagong unit ng Patient Transport Vehicle (PTV) mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ang turnover ceremony ay isinagawa kahapon, Mayo 20, 2024 sa Pavilion B. Wack-Wack Golf and Country Club Old Road, Shaw Boulevard, Mandaluyong City, na personal na dinaluhan ni Municipal Mayor Sergio S. Tapalla.

Ayon sa munisipyo, ang donasyong PTV ay makatutulong na mas mapaunlad ang kanilang pagbibigay ng serbisyong medikal sa lokalidad.

Ang Cagayancillo ay isa lamang sa labing-anim (16) na benepisyaryo ng PTV sa ilalim ng PCSO Medical Transport Vehicle Donation Program na sabayang itinurnover nitong araw ng Lunes.