IPINAPABATID sa publiko ng pamunuan ng Dos Palmas Island Resort and Spa na pansamantalang isasara ang kanilang resort at opisina sa Palawan at Manila.
Anila, ito ay upang bigyang-daan ang pagsasaayos ng mga pasilidad sa lugar para sa mas maayos na pagbibigay ng serbisyo sa mga mamamayan.
“This temporary closure is necessary for us to undertake for a complete renovation of the island and upgrade our facilities.
The difficult decision reflects our unwavering commitment to our guests in order to enhance their experience by ensuring that the resort meets the highest standards of comfort and luxury,” ayon sa pamunuan.
Sa araw ng Lunes, Hulyo 15, ang huling araw ng operasyon ng Dos Palmas Island Resort and Spa.