PUERTO PRINCESA CITY, Palawan — Bumisita sa tanggapan ni Brooke’s Point Mayor Cesareo R. Benedito Jr. ang mga kawani ng DOST- Food and Nutrition Research Institute (FNRI) nitong araw ng Huwebes, Hulyo 4.

Personal na nakaharap ng alkalde si DOST-FNRI Project Technical Specialist III Jerace Hazel C. Generoso kasama si Municipal Nutritionist Loraine Abiog.

Ayon sa Municipal Information Office Brooke’s Point, layunin ng pagbisita na ipaalam ang pagkakaroon ng 2023 National Nutrition Survey sa mga Barangay ng Poblacion District II, Pangobilian at Saraza.

Layunin din ng survey na alamin at pag-aralan ang antas ng kalusugan sa mga nasabing barangay at matiyak kung mayroong sapat na nutrisyon ang bawat isa kabilang ang mga bata, kababaihan at iba pang mga mamamayang target ng survey.

Samantala, nagpahayag naman ng kanyang kagalakan at suporta si Mayor Benedito para sa nasabing aktibidad.