PHOTO | DEPARTMENT OF TRANSPORTATION

Ni Clea Faye G. Cahayag

NAGSAGAWA ng inspeksyon ang Department of Transportation (DOTr) at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa mga paliparan sa lalawigan ng Palawan noong ika-26 ng Hulyo.

Ang inspeksyon sa tatlong paliparan na matatagpuan sa Busuanga, San Vicente at Puerto Princesa ay pinangunahan nina CAAP Director General Captain Manuel Antonio Tamayo at Transportation Undersecretary for Aviation and Airports Roberto Lim.

Batay sa impormasyon mula sa DOTr layunin nito na masiguro na progresibo ang mga proyektong paliparan sa probinsya gayundin ang patuloy na koordinasyon sa mga otoridad.

Ilan lamang sa mga proyekto sa paliparan ang paglalagay ng sampung (10) bagong units ng air coolers sa passenger terminal building (PTB) ng Busuanga Airport.

Mas pinalawak naman ang runway at PTB ng San Vicente Airport, mayroon din itong bagong itinayong air traffic control tower. Ayon pa sa ahensya, ito ay ituturnover kalaunan ng DOTr sa CAAP.

Nasa P300 milyon naman ang budget sa asphalt overlay project ng Puerto Princesa International Airport at isasailalim rin ito sa waterproofing works ayon pa sa ahensya.

Author