Ni Ven Marck Botin
SA inilabas na ulat ng El Nido Tourism, sinabing nangunguna ang kanilang bayan pagdating sa tourist destinations o magagandang pasyalan sa rehiyon ng MIMAROPA batay sa pinakabagong talaan ng TourLISTA ng Department of Tourism.
“Claiming the Top Spot once again in TourLISTA’s latest report, El Nido retains its crown as the most sought-after tourist destination in Palawan, attracting a record-breaking number of visitors in April. With its breathtaking landscapes, pristine beaches, and enchanting islands, El Nido continues to captivate the hearts of travelers from around the globe.” saad ng El Nido Tourism sa kanilang Facebook post.
“Come and experience the unparalleled beauty that keeps El Nido at the pinnacle of Palawan’s tourism scene!” dagdag pa ng tanggapan.
Sa listahan, pumapangalawa ang Lungsod ng Puerto Princesa na sinusundan naman ng Puerto Galera, bayan ng Coron at San Vicente, Palawan. Nasa ikaanim hanggang ika-sampung puwesto naman: ang mga bayan ng San Jose, Occidental Mindoro; Bulalacao at Pinamalayan, Oriental Mindoro; Linapacan, Palawan; at Calapan City.
Sa Top 5 Tourist Attractions sa mismong lalawigan ng Palawan, nangunguna ang Commando Beach, Secret Lagoon, Payong-payong, at Shimizu Island, na lahat ay sakop ng bayan ng El Nido.
Samantala, nasa ikalawang puwesto naman ang Big Lagoon na sinusundan ng Nacpan Beach, Maquinit Hot Springs, at Helicopter Island.