Photo |

Repetek News

Team

PALAWAN, Philippines — Nagsimula nang magkabit ng tarpaulin ang ilan sa mga kakandidato para sa barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Tiniguiban, lungsod ng Puerto Princesa ngayong umaga.

Oktubre 19 ang itinakdang araw ng Comelec para sa simula ng kampanya para sa #BSKE2023 na magtatapos sa ika-28 ngayong buwan.

Samantala, magsisimula naman sa Oktubre 20 hanggang 27 ang OPERASYON OPLAN BAKLAS ng Commision on Elections (Comelec) para sa mga illegal campaign materials.

Ayon sa Comelec, mayroong mga itinakdang lugar na maaaring paglagyan ng mga election campaign materials ng sinumang kakandidato ngayong #Halalan2023.