PHOTO | PIO-PALAWAN

Ni Ven Marck Botin

Naihatid na ng Commission on Elections o COMELEC ang 335 packages na naglalaman ng mga election paraphernalia na gagamitin sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Oktubre 30, ngayong taon.

Ayon sa ulat, inihatid sa kapitolyo ngayong araw ng Martes, ika-12 ng Setyembre, na nakatakda namang kukunin sa mga susunod na araw.

Ilan sa mga laman ng kahon ay tally sheets, paper seals, certificate of receipts of official ballots, official receipt of election returns, envelope for election returns, envelope for official ballots, certificates of votes, posters indicating precinct numbers, at iba pa.

Sa ngayon, ang mga paraphernalia ay nasa pag-iingat ng Provincial Treasurer’s Office (PTO) ng Palawan.

Author