Photo courtesy | COMELEC
Sinimulan na ang Electoral Board Training sa lalawigan ng Palawan para sa nalalapit na Local at National Elections 2025 sa Fersal Hotel sa Lungsod ng Puerto Princesa nitong umaga ng Lunes, Marso 3, taong kasalukuyan.
Pinangasiwaan ng Commission on Elections (COMELEC) Palawan sa pangunguna ni Provincial Election Supervisor Atty. Percival C. Mendoza ang nasabing pagsasanay.
Mahigit 200 Electoral Boards sa lalawigan ang kasalukuyang sumasailalim sa pagsasanay na may kinalaman sa “General Instructions on Process of Voting, Counting, and Transmission of Election Results” alinsunod sa nakasaad sa COMELEC Resolution No. 11076.
Magpapatuloy hanggang Marso 28 ang pagsasanay sa hangaring maturuan ang lahat ng Electoral Boards sa buong lalawigan ng Palawan para sa tamang pamamahala sa nalalapit na #Halalan2025 sa darating na Mayo 12.