Photo courtesy | Facebook/Marjo T. Reyes Jr.

Ni Marie F. Fulgarinas

PUERTO PRINCESA CITY – Lumagda sa memorandum of understanding (MOU) ang lokal na pamahalaan ng bayan ng Busuanga at Coron, Palawan, sa pagitan ng Young Moon Inc. para sa implementasyon ng environmental development projects sa dalawang nabanggit na mga bayan.

Ang ceremonial signing ay isinagawa nitong Enero 15, Lunes, sa Philippine Columbian Association, Plaza Dilao, Paco, Lungsod ng Maynila.

Lumagda sa kasunduan sina Busuanga Mayor Elizabeth Cervantes, Coron Mayor Marjo T. Reyes Jr., at Young Moon Ph Chief Country Officer Dr. Maria Cleofas O. Marceda.

Layunin ng kasunduan na palakasin ang implementasyon ng mga proyektong may kinalaman sa environmental development.

Author