PUERTO PRINCESA CITY — Nagkaloob ng pitumpung (70) milyong piso o katumbas ng ($1.25m) tulong pinansyal ang gobyerno ng Estados Unidos para sa mga naging biktima ng kalamidad sa Mindanao.
Sa pamamagitan ng U.S. Agency for International Development (USAID), tutugunan ng nasabing bansa ang mga pangangailangan ng mga komunidad na apektado ng matinding pagbaha at pagguho ng lupa sa rehiyon.
Ayon sa United States (US) Embassy, ang bagong pondong ito ay magsisilbing pang-emerhensiyang pagkain, tirahan, malinis na tubig, sanitasyon, at mahahalagang kagamitan para sa kalinisan para sa mga naapektuhan ng sakuna sa lalawigan ng Davao de Oro, Davao del Norte, at Lungsod ng Davao.
Makikipagtulungan ang USAID sa Catholic Relief Services and Action Against Hunger upang matiyak na ang tulong na ito na nagliligtas-buhay ay makakarating sa mga mas nangangailangan kabilang ang mga sambahayan na may nag-iisang magulang, mga taong may kapansanan, mga buntis at nagpapasusong kababaihan, mga matatanda, mga pamilyang may mababang kita, at mga katutubo.
Dahil na rin sa kahilingan ng gobyerno ng Pilipinas, ang Department of US Defense sa pamamagitan ng 3rd Marine Expeditionary Force (III MEF) ay nagbigay ng dalawang C-130 upang tulungan ang tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Philippine Office of the Civil Defense, at USAID na maghatid ng 15,000 DSWD food packs sa mga apektadong pamilya.
Ang gobyerno ng Estados Unidos ay naglabas ng “Declaration of Humanitarian Need” noong Pebrero 8 na magpapadali ng suporta para sa mga pagsisikap ng gobyerno ng Pilipinas sa pagtugon sa Mindanao.
“We are proud to partner with the Philippine government to support the immediate needs of Mindanaoans in the areas hardest hit by the flooding and landslides,” ani USAID Mission Director Ryan Washburn. “This support will help ensure that food and other life-saving supplies reach communities most in need.”
“Support to our Allies and partners, and their people in a time of need, is a non-negotiable,” ayon kay U.S. Marine Corps Lt. Gen. Roger Turner, the III MEF commanding general. “Working in direct coordination with USAID and the Government of the Philippines, we stand ready to support those who need urgent assistance.”
Noong nakaraang linggo, nakipagtulungan ang USAID sa Philippines Department of Human Settlements and Urban Development at sa International Organization for Migration upang magbigay ng emergency shelter para sa mahigit 5,000 apektadong mamamayan. Sinuportahan din ng USAID ang World Food Program na maghatid ng mga food packs ng DSWD sa 65,000 pamilya.
Ang Estados Unidos ay patuloy na makikipagtulungan sa gobyerno ng Pilipinas upang tumugon sa mga natural na sakuna at suportahan ang mga mamamayan ng Pilipinas sa kanilang mga pagsisikap sa pagbangon katuwang ang USAID.