Patuloy ang operasyon sita ng mga tauhan ng City Traffic Management Office o CTMO sa mga pampasaherong tricycle upang alamin kung sumusunod ang mga ito sa local traffic ordinance at fare matrix na itinakda ng Pamahalaang Panlungsod.
Sa Facebook post ni City Information Office Richard Ligad via We R1 At Your Service Account, inihayag nito na may iilang mga drayber ang hindi sumusunod sa mga ordinansang nabanggit matapos na makitaan na lumabag sa patakarang transparent fare matrix ng lungsod.
“[Maglagay po kayo ng fare matrix. Kung may problem po kayo sa presyong nakalagay riyan, magkonsulta po kayo sa inyong mga toda at lumapit po kayo sa Sanggunian para mabago ‘yan.
Iyan po ang tamang proseso. Hindi po ‘yung tayo ang magdidikta sa pasahero. Kung kusa ang pasahero magbigay ng sobra, okay. Pero walang pilitan at ang deklarasyon ay ‘yung sa matrix.
May mga pailan-ilan pa rin kaming nati-ticket-an na mga walang fare matrix,” ani Ligad