Ni Marie F. Fulgarinas
PALAWAN, Philippines — Nagsimula na ngayong araw ng Lunes ang Fil-Chi o Filipino Chinese Festival sa Lungsod ng Puerto Princesa.
Simula ngayong araw, ika-5 hangang ika-12 ng Pebrero ngayong taon ay isasara ang bahagi ng Valencia Street, partikular sa harap ng Chinatown Center pagsapit ng alas kuwatro (4:00 p.m) nang hapon.
Ito ay may kaugnayan sa pagdiriwang ng Filipino Chinese Festival kung saan ang makulay at maingay na pagsalubong ng Chinese New Year sa Lungsod ng Puerto Princesa.
Iba’t ibang kaganapan ang matutunghayan sa Chinatown Center, magiging sentro ng mga aktibidad at programa ng pagdiriwang ang lugar.
Kasama sa pagdiriwang ang gabi-gabing palabas at bancheto — mga aktibidad na ikatutuwa ng mga food lovers at mga manonood.