PHOTO | SUBARAW BIODIVERSITY FESTIVAL 2023 FB PAGE

Ni Clea Faye G. Cahayag

INAANYAYAHAN ang mga interesado at kwalipikadong mga kababaihan na makilahok sa nalalapit na Miss Subaraw 2023 sa lungsod ng Puerto Princesa.

Gaganapin sa Best Western Plus The Ivywall Hotel ang final screening sa darating na ika-13 ng Agosto taong kasalukuyan. Ito ay magsisimula ng 1:00 PM hanggang 5:00 PM.

Ito ay bukas sa mga dalagang 18 hanggang 28 taong gulang, 5’4 ang taas, single, residente ng Puerto Princesa/ Palawan at mayroong good moral character.

Kabilang sa mga requirements ang application form, kopya ng NSO/Birth Certificate at close-up at full body photo in swimwear (5R).

Ang application form ay maaaring makuha sa GAD Office, 2nd floor ng New City Hall Building. Para sa iba pang katanungan maaaring makipag-ugnayan sa numerong 0995-536-5575 o magpadala ng mensahe sa [email protected].

Matatandaan sa naunang pahayag ni Mayor Lucilo Bayron, mayroong mga kandidata mula pa sa ibang bansa ang nagpahayag ng interes na sumali sa Miss Subaraw 2023; dalawang (2) kandidata mula sa Japan, isa (1) sa Korea at meron pang dalawang foreign countries ang magpapadala ng kanilang pambato.

Ang beauty pageant na ito ay isinasagawa tuwing sasapit ang buwan ng Nobyembre sa ilalim ng pagdiriwang ng Subaraw Biodiversity Festival na nilalayon ng lokal na pamahalaan na maging isang International Event ngayong taon.