Photo courtesy | Palawan Third District Caretaker Office

Nagpaabot ng tulong sa mga pamilyang nasunugan sa lungsod ng Puerto Princesa ang Palawan Third District Caretaker Office sa ilalim ng pangangalaga ni Speaker Martin Romualdez at pangunguna ni Karl “Koko” F. Legazpi.

Bigas, grocery packs, at financial assistance ang natanggap ng labing-apat (14) na pamilyang biktima ng sunog noong ika-30 ng Hulyo na naganap sa Baltan Street, Barangay San Miguel.

Sa pamamagitan ng Assistance to Individual in Crisis Situation (AICS) sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nakatanggap ng P10,000 financial assistance ang mga pamilyang biktima ng sunog.