Skip to content

Repetek.News

Ang Diyaryo ng Pilipino

Primary Menu
  • NEWS
    • METRO PUERTO
    • NATIONAL
  • BUSINESS
  • LIFESTYLE
    • CULTURE
    • RELIGION
    • FENG SHUI
    • ALAM MO BA
  • COMMUNITY
    • PALAWAN AFFAIRS
    • POLICE REPORT
  • ENVIRONMENT & TOURISM
    • FLORA & FAUNA
  • WEATHER
  • SPORTS
  • OPINION
  • ABOUT US
  • Home
  • Community
  • Palawan Affairs
  • Financing scheme, suporta sa Kalayaan residents, kampanya kontra HIV, ipinanawagan ni Sabando
  • Community
  • Headlines
  • Health
  • Palawan Affairs

Financing scheme, suporta sa Kalayaan residents, kampanya kontra HIV, ipinanawagan ni Sabando

Repetek News

June 14, 2025 4 minutes read
SP Palawan

Sangguniang Panlalawigan File Photo, 2024

Nananawagan si Reelected First District Board Member Ma. Angela V. Sabando sa lahat ng mga lider ng Pamahalaang Pambarangay at Pamahalaang Bayan sa Palawan na magkaroon o magtatag ng ‘micro financing scheme’.

Sa privilege speech ng bokal nitong araw ng Martes, Hunyo 10, inihayag nito na epektibong hakbang ang ‘localized’ micro financing scheme upang mapaigting ang sustenableng pag-unlad ng lokal na ekonomiya at magkaroon ng patas na oportunidad na umasenso ang mga maliliit na komunidad.

“Mahalaga po na magkaroon ang bawat barangay ng madaling ma-access at maaasahang pondo na sinusuportahan ng lokal na pamahalaan at ginagarantiyahan ng kanilang mga opisyal. Sa ganitong paraan mahihikayat natin ang ating mga kababayan—maging sila man ay indibidwal o grupo—na maglunsad o magpalago ng kanilang negosyo,” pahayag pa ng bokal.

Ani Sabando, sa ganitong paraan ay matitiyak na maayos ang takbo ng pag-unlad kapag magkaroon ng pondong mapagkukunan ang mga lokal na komunidad.

Kooperatiba sa Kalayaan

Kaugnay rito, ipinanunukala rin ni Palawan Board Member Ma. Angela na hilingin sa tanggapan ng Provincial Cooperative Development Office o PCDO na tulungan ang mga mamamayan ng Bayan ng Kalayaan, Palawan, na paunlarin ang kooperatiba sa lugar bilang daan sa pagpapalakas ng hanapbuhay ng mga residente.

Aniya, nararapat na suportahan ang kooperatibang nagpapalakas sa sektor ng pangingisda at iba pang komersiyong akbitidad bilang tugon sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga mamamayan kasunod ng inisyatibang inilunsad ng Bureau of Fisheries and Aquatic (BFAR) na ‘food boat’, kamakailan.

“Ngayon pong may inisyatiba ang BFAR sa pamamagitan ng food boat para sa mga mangingisda sa West Philippine Sea, nararapat lamang na ang ating mga kababayan sa Munisipyo ng Kalayaan ay mabigyan ng sapat na suporta,” ani Sabando.

Maliban aniya sa tulong pinansiyal, nararapat din aniya na magkaroon ng teknikal na suporta gaya ng pagsasanay, maayos na transaksiyon, at makipagnegosasyon.

“Kinakailangan nilang maging organisado at maitatag bilang isang kooperatiba, isang lehitimong pangkabuhayang yunit na may kakahayahang makipagnegosasyon, magsagawa ng komersiyal na transaksiyon, at mapalawak ang kanilang merkado, sa tulong ng teknikal at pinansiyal na suporta mula sa ating lalawigan—mabibigyan sila ng mas matibay na pagkakataon na umasenso at makipagsabayan sa iba,” ayon pa sa opisyal.

Kampanya kontra HIV, palakasin

Nanawagan din si Sabando sa lahat ng opisyal ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan, simbahan, at mga institusyong pang-edukasyon na paigtingin din ang mga programa’t kampanya sa pagsugpo ng lumalalang kaso ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) sa lalawigan.

Aniya, mula taong 2015 hanggang 2025, ang lalawigan ng Palawan ay nakapagtala mahigit 1,268 kaso ng HIV na kung saan kalahati rito o tinatayang 656 na bilang ay nagmula sa Lungsod ng Puerto Princesa.

Ayon pa kay Sabando, malaki ang kontribusyon ng karamihan sa mga bayan sa lalawigan mula sa kabuuang datos na kung saan nangunguna sa may pinakamataas na kaso ng HIV ang bayan ng Narra sa bilang na 73.

Sinusundan aniya ito ng bayan ng Taytay sa bilang na animnapu’t pito (67), Brooke’s Point sa bilang na animnapu’t lima (65), habang animnapu’t dalawa (62) sa bayan ng Roxas, limampu’t lima (55) sa Aborlan, apatnapu’t apat (44) sa El Nido, dalawampu’t siyam (29) sa Bataraza, dalawampu’t anim (26) sa bayan ng Quezon at San Vicente, dalawampu (20) sa Dumaran, labingwalo (18) sa Coron, labing-anim (16) sa Sofronio Española, labinlima (15) sa Rizal, labing-apat (14) sa Cuyo, at labing-isang (11) kaso sa bayan ng Araceli, Palawan.

Inilatag din ng opisyal na nakapagtala rin ng anim (6) na confirmed cases ang mga bayan ng Busuanga at Balabac, lima (5) sa Culion, apat (4) sa Cagayancillo, tatlo (3) sa Agutaya, habang tag-iisa (1) sa bayan ng Magsaysay at Linapacan.

Maliban sa loob ng Palawan, naitalala rin ang bilang na apatnapu’t anim (46) na confirmed HIV cases sa labas ng lalawigan, ayon pa sa kumpirmasyon ni Sabando.

Paglalahad pa ng opisyal, mataas ang bilang ng kaso mula sa male-to-male intercourse o pakikipagtalik ng lalaki sa lalaki na kung saan aniya ay nagiging pangunahing daan ng pagkalat ng virus sa lalawigan.

Aniya, mahigit isanlibo o tinatayang 1,003 bilang ang naitalang resulta ng relasyon ng lalaki sa lalaki.

Related Article: HIV cases sa bansa, tumaas ng 500 porsyento

Related Article: HIV ang mas malaking problema ng Pilipinas: DOH

Pabata nang pabata ang nagiging biktima

Inihayag din nito na edad 24-taong gulang pababa ang kasalukuyang mayroong HIV sa lalawigan na kung saan animnapu’t anim (66) na bilang ang naitala ng Kagawaran.

Kinumpirma rin ng lokal na mambabatas ng Palawan na kabuuang 974 indibidwal lamang din umano mula sa 1,268 confirmed cases ang kasalukuyang sumasailalim sa Antiretroviral Therapy o ART. Dahil dito, nananawagan ang opisyal na magkaroon ng malawak na kampanya upang masugpo ang lumalalang bilang ng HIV sa Palawan.

“Ito ay isang seryosong banta sa kalusugan ng publiko na nangangailangan ng mas malawak at masinsinang edukasyon, impormasyon, at pagkilos mula sa ating buong komunidad upang maprotektahan ang bawat mamamayan,” saad pa nito.

Author

  • Marie Fulgarinas
    View all posts

About the Author

Marie Fulgarinas

View All Posts

Post navigation

Previous: Magsaysay, two-time champion sa Pantigoan sa Dalan
Next: ‘Best practices’ ng ibang LGUs, nais matutunan ng city gov’t

Related News

image-1382746363336149
  • National
  • National and International
  • Palawan Affairs
  • Religion

Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70

Repetek News

January 26, 2026
FB_IMG_1759547789526
  • Headlines
  • Metro Puerto

“WALANG DEMOLISYON” – GARCIA

Repetek News

October 5, 2025
Joshua Lavega Abrina
  • Headlines
  • Palawan Affairs
  • Police Report

Imbestigasyon sa pamamaslang kay Abrina, tinututukan

Repetek News

September 19, 2025

Recent Posts

  • Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70
  • English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas
  • TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI
  • Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay
  • “WALANG DEMOLISYON” – GARCIA

Recent Comments

  1. Prov’l Health, puspusan sa pagkasa ng HIV-related training – REPETEK.NEWS on HIV ang mas malaking problema ng Pilipinas: DOH

Trending Now

Latest News

  • Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70
  • English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas
  • TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI
  • Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay
  • “WALANG DEMOLISYON” – GARCIA

You may have missed

image-1382746363336149
  • National
  • National and International
  • Palawan Affairs
  • Religion

Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70

Repetek News

January 26, 2026
614758517_1370905731715019_5041477566248361328_n
  • National and International

English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas

Jent Carlos Gardoce January 14, 2026
Illegal logging
  • Uncategorized

TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI

Repetek News

December 26, 2025
Business Suite_creation_1572764704131299
  • Police Report

Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay

Repetek News

October 6, 2025
You may also follow us on Facebook! | MoreNews by AF themes.