PHOTO//QUEEN OF TANDIKAN PUERTO PRINCESA

Ni Ven Marck Botin

SA Grand Coronation Night ng nabanggit na pageant, nagtagisan ng galing sa pagrampa, grace, ganda, at talino ang sampung (10) nagagandahang transgender women candidates ng Puerto Princesa at lalawigan ng Palawan.

Suwerteng nakapasok sa top 6 semi-finalists ang mga kandidatang sina Rom Vargas, Ms. Advocacy winner; Nathalie Panes, Best in Swimsuit; Flor Bracamontes, Best in Gown; Fitzgerald Ballon, Best in Talent; Krystal Valerie Salvador, Best in Festival Costume; at Velly Vanne Somosierra.

Sa Top 6, ipinakita ng mga finalists ang kanilang ‘wit & intelligence’ sa dalawang (2) round ng Question and Answer. Sa unang round, iba’t ibang mga tanong ang ibinigay sa anim na kandidata na kung saan ay may kinalaman sa kampanya sa HIV & AIDS, Sexual Orientation, Gender Identity, and Expression (SOGIE) Bill, at iba pa.

Matapos ang ilang minuto, ibinigay sa mga ito ang ikalawang nag-iisang taong, ito ang: “If you were to sacrifice one of the three, Integrity, Honor, Principle, which one would you sacrifice and why?”.

Sa huli, tinanghal na winner si Queen Fitzgerald Ballon ng Bgy. Maunlad, First Runner Up naman si Queen Krystal Valerie Salvador ng Bagong-Sikat, at Second Runner Up ang kinatawan ng Bgy. Sicsican na si Queen Velly Vanne Somosierra.