Photo courtesy | DPWH

Natapos na ng Department of Public Works and Highways (DPWH)-Palawan 3rd District Engineering Office ang proyektong flood control sa Langogan River, lungsod ng Puerto Princesa.

Ang proyektong ito ay nagkakahalaga ng 32 milyon na pinondohan sa ilalim ng 2024 General Appropriations Act (GAA).

Ito ay kinapapalooban ng konstruksyon ng revetment walls, esplanders at earthworks sa itaas at ibabang bahagi ng ilog. Ito ay mayroong sukat na 77.7 metro at 82.8 metro.

Nilagyan din ito ng kanal at slope protection upang maiwasan ang pagkakaroon ng pagbaha at pag-apaw ng tubig na naranasan sa Langogan noong nanalasa ang bagyong Odette taong 2021.

Ayon kay DPWH Regional Director Gerald A. Pacanan, sa pamamagitan ng proyektong ito matitiyak na ang kaligtasan ng mga residenteng naninirahan malapit sa ilog. Makatutulong din ito upang mas patatagin ang basin ng ilog at pinipigilan ang pagguho ng lupa.

“The completed projects will boost the community-based tourism along the Langogan River, the main tributary of the Langogan River Basin which is among the frequent travel itineraries in the city,” ayon pa kay Panacan.

Author