Photo Courtesy | Coast Guard District Palawan

LUNGSOD NG PUERTO PRINCESA — Nagkaloob ng tulong para sa mga mangingisda ng West Philippine Sea (WPS) ang pamunuan ng Coast Guard District Palawan (CGDPAL) habang nagpapatrolya ang mga barkong MRRV 4407 at 4409 sa nabanggit na karagatan nitong Pebrero 18, 2024.

Ayon sa CGDPAL, nagkaloob ng food packs at inuming tubig ang kanilang mga tauhan sa mga mangingisdang lulan ng mga bangkang F/B John Jerry , F/B Maricris, at F/B Tessie upang makatulong sa kanilang pangingisda sa WPS.

Nagpaabot din ang nasabing mga barko ng humanitarian aid sa isa pang grupo ng mga mangingisda mula sa F/B Maricris at Tessie na napag-alamang umaabot sa loob ng isang buwan ang kanilang pamamalagi sa laot upang mangisda, habang pinagkalooban naman ng antibiotics ang isang nasugatang mangingisda upang ito’y agad na gumaling.

Samantala, ang pagkakaloob ng mga naturang gamot ay sumasalamin sa holistikong katangian ng mga pagsisikap sa pagtulong na nagbibigay-diin sa pangako ng Philippine Coast Guard sa pangkalahatang kapakanan ng mga mangingisda West Philippine Sea.

Bakas sa mukha ng mga mangingisda ang tuwa at sila’y nagpapasalamat sa natamong suporta mula sa CGDPAL.