PUERTO PRINCESA CITY — Arestado ng Bureau of Immigration (BI) ang limang (5) foreign nationals sa lalawigan ng Palawan nitong araw ng Martes, Oktubre 17.

Ayon sa ahensya, nag-ugat ang imbestigasyon matapos makatanggap ng reports na mayroong mga foreigners ang nagtatrabaho sa lalawigan ng walang kaukulang working permit.

Naaresto sa Barangay Bucana, El Nido, Palawan, ang dalawang (2) Chinese nationals na kinilalang sina Lin Yongzhen at Zhang Haicong, parehong nasa hustong gulang. Ang dalawa’y natagpuang nagtatrabaho sa isang a construction site sa lugar.  Si Lin ay napag-alamang may working visa ngunit sa ilalim ng ibang kumpanya habang si Zhang naman ay napag-alamang tourist visa ang hawak na dokumento nito.

Samantala, arestado rin sa Brgy. Liminangcong, bayan ng Taytay, Palawan, ang isang Chinese at Taiwanese national na sina Zhang Haicong at Lin Tsung-Te, pawang nasa wastong gulang.

“Zhang also possessed a working visa but was working in a different worksite. Lin, on the other hand, failed to present his passport, but was found to be overstaying already since 2016,” pahayag ng ahensya.

Ayon pa sa ahensya, napag-alaman din na si Zhang Haicong “found to be misrepresenting himself as a Filipino, having shown a Philippine driver’s license indicating his nationality as such”.

Sa kabilang dako, arestado naman sa Brgy. Tagburos, Lungsod ng Puerto Princesa si Zhang Jinfei, 47-anyos matapos mapag-alamang mayroong working visa ngunit ibang lokasyon ang nakasaad na kung saan ay direktang paglabag sa immigration rules ng Philippine Government. “He misrepresented himself as a Filipino citizen by also presenting a Philippine driver’s license,” saad ng ahensya.

“All 5 were found to be working in fisheries near naval bases and were reportedly associated with a Palawan-based organized Chinese crime group involved in illegal activities, including wildlife trade, facilitating the illegal entry of undocumented Chinese nationals and harboring undocumented Chinese nationals, land acquisition through Filipino proxies, and unlawful acquisition of Philippine identification documents.”

“They were arrested for violation of the Philippine immigration act and will remain in the BI’s facility in Bicutan, Taguig while facing their deportation cases,” pahayag ng ahensya.

(Kuhang larawan / Website / Bureau of Immigrations)

Author