Photo Courtesy | UPCM-PGH

Ni Marie F. Fulgarinas

PALAWAN, Philippines — Inanunsiyo ni San San Vicente Mayor Amy Roa Alvarez na magkakaroon ng libreng operasyon para sa mga indibidwal na mayroong cleft lip at cleft palate o ‘bingot o ngongo’ sa darating na ika-13 hanggang ika-16 ng buwan ng Abril na gaganapin sa Camp General Artemio Ricarte Station, sa lungsod ng Puerto Princesa.

Inaanyayahan ni Alvarez ang mga Palaweñong indibidwal na mayroong pangangailangang atensyong-medikal sa Cleft Lip at Palate na magkakaroon ng libreng operasyon na “Healing Smiles, Changing Lives” sa nabanggit na petsa at lugar.

Ani Alvarez, ito ay pinangunahan ng MJB Cares Foundation, Inc. katuwang ang Advance Craniofacial Project Philippines, Inc., Western Command Armed Forces of the Philippines, at LMP – Palawan Chapter.

Sa mga nais na mapagkalooban ng libreng serbisyong nabanggit, mangyaring makipag-ugnayan lamang sa MJB Cares Foundation Facebook Page, https:lImjbcares.oro ph, at [email protected].

Para sa iba pang mga katanungan at karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan lamang kay NURSE PRINCESS sa numerong 0938-433-5110.

Narito ang mga sumusunod na impormasyon at kinakailangang dokumento:

Pangalan:

Address:

Contact:

Birthday:

Weight:

Guardian:

FB Name:

Ano ang ooperahan:

Fully Vaccinated po ba ang bantay?:

𝗔𝗚𝗘 𝗥𝗘𝗤𝗨𝗜𝗥𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧𝗦

• Cleft Lip — 4 na buwan na tumitimbang ng 5 kilo. Wala po itong limitasyon sa edad

• Cleft Palate — 1 taong gulang na tumitimbang ng 10 kilo hanggang 25 taon lamang

𝗥𝗘𝗤𝗨𝗜𝗥𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧𝗦

• Birth Certificate

• Certificate of Indigency from Barangay and Philhealth if available

Author