PALAWAN, PHILIPPINES – NAGWAGI bilang Best Beverage of 2024 sa Katha Awards ang ipinagmamalaking ‘fresh tuba’ ng Palawan na idinaos sa IFEX Philippines Media Salu-salo noong Abril 26, 2024 sa Philippine International Convention Center (PICC).
Ang inuming ‘The Power of SLOW’ ay produkto ng Palawan’s Lionheart Farms na kung saan ang nasabing inumin ay ginawa mula sa purong katas ng bulaklak ng niyog (fresh tuba) at ito’y 100% organic.
Ayon sa Lionheart’ s Farm, ang
nakakapreskong inuming ito ay nag-aalok umano ng natural na lasa na pupwedeng pang-alternatibo sa mga matatamis na inumin.
Nagbibigay rin ito ng pangmatagalang
enerhiya, mahahalagang electrolyte, at sustansya.
Nag-aalok din ito ng nakakapresko at kakaibang karanasan sa panlasa habang sinusuportahan ang lokal na mga magsasaka at itinataguyod ang mga gawaing makakalikasan.
“Winning the Katha Award is a tremendous honor and we are, of course, very proud,” ani Christian Eyde Moeller, President at CEO ng Lionheart Farms. “We are really working for the next generation of farmers.
Without the next generation of farmers, I fear for what the future will look like. And we hope that this product can be a symbol to inspire that farming can also be a little bit sexy. And we hope to excite consumers around the world.”
Samantala, ang “fresh tuba in a can” na ito ay bahagi ng lumalagong kalakaran tungo sa natural at sustenableng mga opsyon sa industriya ng inumin, na may inaasahang plant-based na beverage market na umaabot sa USD 73.19 bilyon sa 2032.
Ang Power of SLOW ay nakatakdang ilunsad sa merkado ng Pilipinas sa lalong madaling panahon sa piling mga retailer sa buong bansa at sa CÓCOES e-commerce site.
Ang Katha Awards for Food 2024 ay isang prestihiyosong pagkilala para sa bagong
binuong mga produktong pagkain sa Pilipinas at mga aplikasyon ng pagkain na nakakatugon sa limang pangunahing pamantayan gaya nang kalidad at lasa ng produkto, pamamahala sa pagba-brand at packaging, pag-andar at aplikasyon, kakayahang maibenta, at pagpapanatili.
Bukod dito, ang Katha Awards for Food 2024 ay bahagi ng 17th IFEX Philippines, ang pinakamalaking internasyonal na eksibisyon sa kalakalan ng bansa na nagtitipon ng mga eksperto sa pagkain at inumin na nag-aalok ng magkakaibang produkto, mga demonstrasyon sa pagluluto, at networking.
Photo: Lionheart Farm