Ikinuwento ni Alden Richards ang pagkawala ng kaniyang ina dahil sa sakit na pneumonia noong taong 2008 habang siya ay nasa high school pa.
Ang kalunos-lunos na pangyayaring ito ang nagtulak sa kaniya na huminto sa pag-aaral at tumulong na lamang sa kaniyang pamilya na kumita. Ang karanasan ni Alden ay nagpapakita ng matinding hamon na kinakaharap ng maraming pamilyang Pilipino na umaasa lamang sa pag-iipon.
Umukit ito sa isipan ni Alden ang kahalagahan ng pagpapahalaga sa mga mahal sa buhay at pagpaplano pagdating sa pinansiyal na kakayanan para sa kanilang hinaharap.
Dahil dito, nagkaroon ng “Plan B” si Alden sa buhay sa pamamagitan ng Banco De Oro (BDO)
Sa sandaling nagsimula siyang kumita mula sa kaniyang karera sa pag-arte, naghanap si Alden ng life insurance upang maprotektahan ang kinabukasan ng kaniyang pamilya.
Nakahanap siya ng BDO Life Financial Advisor sa kanilang lokal na BDO branch na tumulong sa kaniya na gumawa ng personalized na financial plan.
Binigyang-diin ni Alden ang kapayapaan ng isip na hatid ng life insurance, na tinitiyak na aalagaan ang kaniyang mga mahal sa buhay sakaling magkaroon ng mga hindi inaasahang pangyayari.
Binibigyang-diin din niya ang accessibility at kaginhawahan ng mga serbisyo ng BDO Life na may mga financial advisors na madaling makausap sa mga sangay ng BDO.
Ayon sa banking network, itinatampok ng istoryang ito ang personal na paglalakbay ng aktor at BDO brand ambassador na si Alden Richards sa pagbagdak, paghihirap, at mga mahahalagang aral na kaniyang natutunan sa buhay.
Binibigyang-diin naman ng Pangulo at CEO ng BDO Life na si Renato A. Vergel De Dios ang mahalagang papel ng kasiguraduhan sa buhay para sa mga breadwinner, na inihahambing sa mga mahahalagang pangangailangan.
Ipinoposisyon ng BDO Life ang sarili bilang ang “Plan B” na solusyon, na nag-aalok ng hanay ng mga produkto ng insurance upang mabigyan ang mga pamilya ng ligtas na kinabukasan.