PHOTO | PUERTO PRINCESA AGRICULTURE OFFICE

Ni Ven Marck Botin

NAMAHAGI ng iba’t ibang mga pananim ang pamunuan ng City Agriculture Office sa mga magsasaka ng Barangay Manalo sa lungsod ng Puerto Princesa.

Layunin ng programa na mapalawak ang produksiyon ng kasuy, langka, calamansi, at guapple kung saan ay makatutulong sa kabuhayan ng mga magsasaka sa lugar.

Nananawagan din ang City Agriculture Office sa mga nais pang gawing produktibo ang kanilang mga lupain na makipag-ugnayan lamang sa kanilang tanggapan sa lungsod.