PHOTO//ATTY. LARRY GADON OFFICIAL FB PAGE

Ni Ven Mark Botin

Viral Lawyer na si Lorenzo “Larry” Gadon, dinisbar ng Korte Suprema dahil sa “misogynistic, sexist, abusive and repeated intemperate language”.

Sa Unanimous 15-0 votes, tinanggalan ng karapatan si Gadon na maging abogado o magsagawa ng anumang may kaugnayan sa pagpa-practice ng batas dahil isang viral video clip na kung saan ay paulit-ulit niyang pinagmumura ang Journalist na si Raissa Robles.

Ayon sa ulat, nakitaan ng Korte Suprema ang nasabing video clip bilang isang “indisputably scandalous that it discredits the legal profession”.

Sinabi rin sa ulat na nilabag ni Gadon ang Canon II Propriety of the Code of Professional Responsibility and Accountability.