
Photo courtesy: Gilberto “Gibo” Teodoro, Jr.
PUERTO PRINCESA CITY – Planong magtayo ng air at naval bases sa bayan ng Balabac, Palawan, ang Department of National Defense (DND) para sa pagpapaigting ng depensa, healthcare, at kalakalan sa lugar, ayon kay Defense Secretary Gilberto ‘Gibo” Teodoro, Jr.
Sa panayam ng nasyunal midya kay Teodoro noong nakalipas na Biyernes, Hunyo 6, sinabi ng kalihim na maglalagay ng joint-use runway sa isla na magagamit ng Philippine Air Force (PAF), Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), at mga residente sa lugar para sa maayos na access pagdating sa medical transportation.
Inihayag din ng opisyal na maglalagay rin ng naval station sa lugar na bahagi ng Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA sa pagitan ng Pilipinas at bansang Estados Unidos na naglalayong palakasin ang “strategic posture” ng bansa sa West Philippine Sea (WPS).
“We are also advancing the construction of an airstrip and a Philippine Navy station on the island — part of the Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) with the United States. The runway, to be jointly used by the Philippine Air Force and the Civil Aviation Authority of the Philippines, will improve access for residents and strengthen our strategic posture in the West Philippine Sea,” ayon sa opisyal.
Ayon pa kay Teodoro, ‘recognized international ceiling’ ang lugar kung kaya’t minsan ay dumaraan sa bayan ng Balabac ang mga Chinese vessels at iba pang foreign influence.
“Ito, ‘pag hindi nadama or hindi nagkaroon ng presence [rito], napakadali na abusuhin ng foreign influence and other inappropriate illegal activities,” paglalahad pa ng Kalihim.
Ayon pa sa opisyal, mahalaga rin ang Balabac sa pagpapalakas ng presensiya ng Republika ng Pilipinas sa ngalan ng ‘national connectivity’ at seguridad, at pagbibigay ng serbisyong panlipunan sa mga residente sa lugar.
“Balabac sits at a vital maritime crossroads near the Balabac Strait, connecting the South China Sea and the Sulu Sea, and only 140 nautical miles from Panganiban Reef. Increasing government presence here is crucial for both national connectivity and security,” dagdag nito.
Samantala, personal ding nasaksihan ng opisyal sa kaniyang pagbisita sa bayan ang kakulangan ng mga pasilidad at gamot na pangunahing suliranin ng mga residente roon. Kasama si Teodoro sa pagsasagawa ng All-in-One Bayanihan outreach ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippine kung saan namahagi ng food packs, educational kits, medical assistance, water filters, at mga wheelchairs sa mga mamamayan ng Balabac.
“Nandito rin tayo upang mag-engage sa tao sa Balabac, to show at maipahiwatig sa kanila that the government—the national government ay pumupunta sa kanila, na kailangang madama ng ating mga kababayan na the government is really looking out for their welfare.