Ni Marie F. Fulgarinas

PALAWAN, Philippines — Guest Judge ng Grand Coronation ng Subaraw Festival Queen 2023 sina Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados at I am Model Search International ’23 Mico Teng habang main host naman sina Miss Charm International 1st Runner Up Annabelle Mcdonnell at Mister Tourism Int’l Ph 2022 Kitt Cortez.

Gaganapin ang coronation night sa darating Huwebes ng gabi, Nobyembre 9, sa Puerto Princesa City Coliseum.

Tatlumpung (30) mga kandidata mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas at mga piling International Filipino Community ang maglalaban-laban para sa titulo ng Miss Subaraw Festival Queen.

Abangan bukas ng gabi ang tatanghaling Subaraw Festival Queen 2023.

Author