Photo courtesy | Munisipalidad ng Aborlan

Kabuuang 758 pamilya na apektado ng malawakang pagbaha sa bayan ng Aborlan ang pinagkalooban ng food packs ng GMA Kapuso Foundation nitong Pebrero 12.

Ang mga barangays na benepisyaryo ng tulong ay Bgy. Poblacion, San Juan, Plaridel, at Tigman.

Nakipagtulungan sa GMA Kapuso Foundation ang 3rd Marine Brigade, Aborlan Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), Municipal Health Office, at Western Philippines University Criminology Interns upang makarating ng maayos sa mga benepisyaryo ang nasabing tulong.

Nagpaabot ng pasasalamat sa GMA Kapuso Foundation ang Lokal na Pamahalaan ng Aborlan dahil napili itong maging benepisyaryo ng foundation.