Photo courtesy | PIO Palawan
PUERTO PRINCESA CITY – Bumisita si Gobernador Victprino Dennis M. Socrates sa Pag-asa Island nitong Enero 14 kasama sina Kalayaan Mayor Roberto Del Mundo, Western Commander VADM Alberto Carlos (PN), iba pang opisyal ng Western Command (WESCOM) at ilang indibidwal mula sa lokal na midya.
Sa parehong kaganapan, nagsagawa ng “Ugnayan sa Barangay” upang malaman ng mga residenteng naninirahan sa isla ang ilang pagbabago mula sa kanilang lokal na Pamahalaan at Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan.
Layon ng aktibidad na makita at malaman ang kasalukuyang sitwasyon ng mga mamamayan sa lugar.
Sa pagbisita ng mga opisyal sa lugar, tinalakay ang pagpapaigting ng ugnayan ng Pamahalaang Panlalawigan, WESCOM at Local Government Unit ng Kalayaan upang bigyang-pansin ang mga aktibidad na kay kaugnayan sa turismo ng bayan pati na rin ang pagpapaunlad sa ekonomiya ng nasabing isla.
Sa ulat ng Provincial Information Office, patuloy umano ang pagsuporta ng Pamahalaang Panlalawigan sa munisipyo ng Kalayaan upang patuloy na maprotektahan ang karapatan ng lalawigan ng Kalayaan Island Group (KIG) pati na rin ng West Philippine Sea (WPS).
Ang Pag-asa Island, ang pinakamalaking isla sa KIG) na tinatayang nasa 32.7 ektarya. Ito ay may layong 277 milya mula sa lungsod ng Puerto Princesa na kung saan at pangingisda ang pangunahing kabuhayan ng mga residente sa lugar.