Skip to content

Repetek.News

Ang Diyaryo ng Pilipino

Primary Menu
  • NEWS
    • METRO PUERTO
    • NATIONAL
  • BUSINESS
  • LIFESTYLE
    • CULTURE
    • RELIGION
    • FENG SHUI
    • ALAM MO BA
  • COMMUNITY
    • PALAWAN AFFAIRS
    • POLICE REPORT
  • ENVIRONMENT & TOURISM
    • FLORA & FAUNA
  • WEATHER
  • SPORTS
  • OPINION
  • ABOUT US
  • Home
  • Environment & Tourism
  • Gob. Socrates, nilagdaan ang ordinansang mining moratorium sa Palawan
  • Environment & Tourism
  • Palawan Affairs
  • Politics

Gob. Socrates, nilagdaan ang ordinansang mining moratorium sa Palawan

Repetek News

March 14, 2025 3 minutes read
FB_IMG_1742005310948

Photo courtesy | Atty. Zyra Awat

Nilagdaan na ni Gobernador Victorino Dennis M. Socrates ang Provincial Ordinance No. 3646, series of 2025, o ang “Declaration of a Fifty (50) Year Extendable Moratorium on the Issuance of Endorsements for All Large and Small-Scale Mining Applications sa Old Governor’s Residence, Lungsod ng Puerto Princesa, nitong araw ng Huwebes, Marso 13.

Matatandaan, halos isang buwang pinag-usapan ang nasabing ordinansa sa committee hearing ng Sangguniang Panlalawigan. Matapos ang apat (4) na pagdinig ay matagumpay na naipanalo ang nasabing ordinansa kung saan nakakuha ito ng unanimous votes sa lahat ng bokal ng Sanggunian.

Ayon kay Cynthia Sumagaysay-del Rosario mula sa Save Palawan Movement (SPM), isang makasaysayang pangyayari ang paglagda ng ordinansang 50-year mining moratorium.

“Ang pagpirma ng ating Gobernador sa ordinansa na nagtataguyod ng moratorium sa pag-eendorso ng Sangguniang Panlalawigan sa lahat ng mga large and small scale commercial mining operations sa probinsya sa loob ng limampung (50) taon ay isang makasaysayang hakbang upang mapangalangaan natin ang higit sa dalawandaang libong ektaryang kagubatan na saklaw ng mga nakabinbin na mga aplikasyon sa pagmimina,” pahayag ni Sumagaysay.

Aniya pa, ang pagsasagawa nito ay isa ring mahalagang paggunita sa nangyaring plebesito noong March 13, 2021, kung saan nagwagi ang pagtutol ng mga Palaweño sa batas na hatiin sa tatlo ang probinsya ng Palawan.

Nagpaabot din ng pasasalamat si Gob. Socrates at ang mga orihinal na author ng nasabing ordinansa na sina Board Member Nieves Rosento at IPMR Arnel Abrina.

“Sa simula hindi ko naman na appreciate itong ordinansang ito nagkataon lang na lumabas doon sa Palawan Stakeholder’s Congress on mining and the environment na gusto pala ng sambayanang Palaweño na itigil ang pagpasok ng mga bagong minahan. Hindi ko masyadong maintindihan noon but because of that, nai-suggest natin, at nagpapasalamat ako sa tatlong minority members of the Sangguniang Board Member Nieves Rosento, Board Member Ma. Angela Sabando, at Board Member Arnel Abrina, kahit minorya sila ay unti-unting nilaban nila ang ordinansa of mining at ngayon po ay pumasa at nanalo ang minorya,” pahayag ni Gob. Socrates

Nakasaad sa Ordinance No. 3646 na ipagbabawal ang pag-iisyu ng endorsement para sa lahat ng aplikasyon kaugnay ng exploration permits, mineral agreements, at financial o technical assistance agreements sa loob ng limang dekada o higit pa.

Sa ilalim din nito, bubuo ng isang Mining Moratorium Council upang tiyakin ang pagsunod sa mga ipinatutupad na polisiya.

Samantala, ang seremonyang ito ay dinaluhan ng mga matataas na opisyal at mga kinatawan mula sa NGOs, grupo ng mga katutubo sa lalawigan, civil society groups, Save Palawan Movement, Apostolic Vicariate of Puerto Princesa, at mga lokal na midya.

Author

  • Repetek News

    View all posts

About the Author

Repetek News

Administrator

View All Posts

Post navigation

Previous: Mag-asawa, anak, himas-rehas nang makunan ng droga
Next: Dugtong buhay ng Red Cross, dinaluhan ng Pto Princesa City Jail

Related News

image-1382746363336149
  • National
  • National and International
  • Palawan Affairs
  • Religion

Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70

Repetek News

January 26, 2026
Joshua Lavega Abrina
  • Headlines
  • Palawan Affairs
  • Police Report

Imbestigasyon sa pamamaslang kay Abrina, tinututukan

Repetek News

September 19, 2025
News Page (4)
  • Headlines
  • National
  • Palawan Affairs

Iba kayo, Andes at Garzon!

Repetek News

September 19, 2025

Recent Posts

  • Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70
  • English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas
  • TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI
  • Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay
  • “WALANG DEMOLISYON” – GARCIA

Recent Comments

  1. Prov’l Health, puspusan sa pagkasa ng HIV-related training – REPETEK.NEWS on HIV ang mas malaking problema ng Pilipinas: DOH

Trending Now

Latest News

  • Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70
  • English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas
  • TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI
  • Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay
  • “WALANG DEMOLISYON” – GARCIA

You may have missed

image-1382746363336149
  • National
  • National and International
  • Palawan Affairs
  • Religion

Biyudong abogado, inordenahang Diyakono sa edad na 70

Repetek News

January 26, 2026
614758517_1370905731715019_5041477566248361328_n
  • National and International

English Accres Program Scholarship sa ‘Pinas

Jent Carlos Gardoce January 14, 2026
Illegal logging
  • Uncategorized

TROSO SA ROXAS, NASAMSAM; WALANG UMAMING NAGMAMAY-ARI

Repetek News

December 26, 2025
Business Suite_creation_1572764704131299
  • Police Report

Patay sa banggaan ng motorsiklo at bus sa Taytay

Repetek News

October 6, 2025
You may also follow us on Facebook! | MoreNews by AF themes.