PUERTO PRINCESA CITY, Palawan — Pormal nang nanumpa nitong ika-17 ng Setyembre sa harap ni Aksyon Demokratiko President Isko Moreno Domagoso si Palawan Governor Victorino Dennis M. Socrates bilang kasapi ng alyansa.
Sa Facebook post ng Aksyon Demokratiko, itinalagang bilang Provincial Chairperson ng partido ang gobernador na kung saan saksi sa nasabing kaganapan si Aksyon Demokratiko Chairperson Ernest Ramel Jr. habang nanumpa naman si Christian Albert Miguel na tatakbong board member sa Unang Distrito ng Palawan.
Si Socrates ang makakatunggali ni San Vicente Mayor Amy Alvarez sa pagka- Gobernador ng Palawan sa darating na Halalan 2025.