Photo Courtesy | PIO Palawan
Ni Marie F. Fulgarinas
PUERTO PRINCESA CITY — Pinangunahan ni Gobernador Victorino Dennis M. Socrates ang pagbisita sa ilang pasilidad na pinangangasiwaan ng Provincial Government ng Palawan sa bayan ng El Nido nitong Enero 29, araw ng Lunes.
Binisita ni Socrates ang El Nido Sewage and Solid Waste Treatment Plant sa Barangay Villa Libertad at El Nido Community Hospital upang suriin ang mga
pasilidad.
Layunin ng pagbisita na matukoy ang mga suliranin sa mga nabanggit na gusali upang mabigyan ng kaukulang solusyon gaya ng kakulangan ng medical equipment o supplies at maging ang kasalukuyang sitwasyon ng mga medical professionals at practitioners.
Ang proyektong Sewage and Solid Waste Treatment Plant ay nagbibigay-serbisyo upang masulusyunan ang problema sa polusyong sanhi ng kawalan ng tamang sewage o waste water and solid waste disposal sa bayan ng El Nido.
Samantala, kasama rin sa pagbisita sina Provincial Administrator Atty. Jethro Palayon, Provincial Information Officer Atty. Christian Jay Cojamco, Provincial Planning and Development Coordinator Sharlene Vilches, Provincial Engineer Aireen Laguisma, PESO OIC Orphy Ordinario, Executive Assistant Al Rama kasama ang ilang opisyal ng Lokal na Pamahalaan ng El Nido, Palawan.