PALAWAN, PHILIPPINES – NAGKALOOB ng iba’t ibang serbisyo ang Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan sa pamamagitan ng isinagawang Serbisyo ig Progreso y Sambayanan o SPS Caravan sa tatlong Barangay ng bayan ng Sofronio Española nitong May 15, 2024.
Sa ulat ng tanggapan ni Governor Victorino Socrates, napagkalooban ng iba’t ibang serbisyo ang mga residente ng tatlong (3) barangay na kinabibilangan ng Pulot Center, Pulot Shore, at Pulot Interior na pinangunahan ng gobernador katuwang ang ilang tanggapan ng Provincial Health Office (PHO), Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), Provincial Agriculture Office (PAgO), Provincial Veterinary Office (PROVET), Provincial Public Employment Service Office (PESO), SPS Alay sa Kabataan Program, at Provincial Lagal Office (PLO).
Ayon pa sa ulat, naroon sa nasabing kaganapan si Sofronio Espanola Mayor Abner R. Tesorio kasama ang ilang Sangguniang Bayan members at mga opisyales ng barangay.
Kaugnay nito, naroon din sa kaganapan ang mga kinatawan ng Philippine Statistic Authority (PSA), PHILHEALTH at Philippine Army upang magkaloob ng iba’t ibang serbisyo sa mga residente ng mga nasabing barangay.
Samantala, naisakatuparan ang aktibidad sa pakikipagtulungan ng Provincial Disaster Risk Reduction Office (PDRRMO), Provincial Gender and Development Office (GAD), at iba pang tanggapan mula sa lokal at nasyunal.
Layunin ng SPS Caravan na mailapit sa mga Palaweño ang libreng serbisyong ibinibigay ng Pamahalaang Panlalawigan.
Photos Courtesy | JBC/PIO Palawan